"Sarili muna bago ang iba." 10
Buod ng marubdob nilang sabi. 10
Sa pag-ibig man, sa dunong o ligaya, 12
Maging abot man ay usaping salapi. 12
Subalit itong piling kataga, 10
H'wag kalituha't ipagkamali, 10
Na taliwas sa kay Hesus na winika: 12
"Mahalin ang kapwa gaya ng sarili." 12